Idinawit ang isang pulis na umano’y pinsan ng suspek sa karumal-dumal na kaso ng pagmamaltrato sa isang kasambahay sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Sinagip ng kanyang mga kapatid ang isang kasambahay sa bahay ng kanyang amo na bulag ang dalawang mata, pilipit ang tenga, at puno ng peklat ang katawan sa Batangas City
Kinilala ang pulis na si Executive Master Sgt. Maria Eliza Palamay na hepe ng Mamburao Police Community Relations.
Ayon sa 44-taong gulang na kasambahay na si Elvie Vergara tinakot at pinagbantaan siya ni Palamay na siya ay ipadadampot, ikukulong, at papatayin kung magsumbong siya sa pagmamaltrato ng kanyang amo na si Jerry Ruiz.
Mariin itong itinanggi ng pulis at wala umano siyang kaugnayan sa pamilya.
“Wala pong pagbabanta, pananakot o pag-aano kay ate Elvie po. Nagulat nga ako Sir na sangkot ang pangalan ko po dito. So talaga pong wala po akong kinalaman dito,” paliwanag ni Palamay sa isang panayam sa ABS-CBN.
Pinabulaanan ng kanyang amo ang mga paratang laban sa kanya.
Hiling ng kasambahay na mabigyan siya ng hustisya at makulong ang mga sangkot sa pangmamaltrato sa kanya.