Hindi natin masisisi ang mga taga-probinsya na iwanan ang kanilang lugar at makipag sapalaran sa mga siyudad dahil na rin sa mga lider ng kanilang lugar na imbes na ipokus ang kanilang panunungkulan upang umunlad ang kanilang mga lugar ay puro pagpapayaman ang iniintindi.
Resulta nagsisilikas ang kanilang mga mamayan, iniiwan ang mga sakahan, nauubos na ang mga mangingisda na nagiging dahilan upang puro angkat na lang tayo ng angkat sa mga kalapit natin bansa. Anyare na Juan dela Cruz?
Kung ako tatanungin,dapat tutukan ni President BBM ang problema ng migration at corruption ng mga politician at mga kawani ng pamahalaang nasyunal upang masulosyunan ang pag kawala ng mga tao sa kanayunan.
Kaakibat nit, kailangan pa rin ng kooperasypn ng mga mamayan.
Ang aking formula, dalhin sa kanayunan ang mga pagawaan, itaas ang sahod doon, lagyan ng mga eskwelahan mula elementary hanggang college, hospital at mga commercial establishment.
Kausapin ang mga bilyonaryong negosyante na tulungan ang pamahalaan upang buhayin , pasiglahin, ang mga probinsiya para hindi na mag-isip ang mga tao na lumikas at iwanan ang kanilang lugar.
Tama ang hakbang ng pamahalaan sa Luzon na buhayin ang train mula dulo’t dulo upang mabilis makarating ang mga produkto sa liblib na lugar para mai-market ang mga produkto.
Sa pamahalaan naman ay bigyan ng tax incentive ang mga negosyo sa mga malalayo upang ma-engganyo ang mga negosyante at professional na manatili sa kanayunan.
Maglagay ng malalaking istasyon ng TV sa malalayo, ilikas mga departamento ng pamahalaan nang sa gayon ay magsipag tumira ang mga empleyado doon at dayuhin hanggang sa umunlad ang mga lilipatan probinsiya.
Halimbawa ang LTO doon sa Pangasinan, ang DOH doon La Union, ang Supreme Court sa Bikol, ang DOJ sa Quezon province , mga ganun pilot project.
Maaring hindi maganda sa panlasa ng mga apektado pero tanungin ko nga kayo, saan ba nagsimula ang mga tanggapan ng national government sa Kyusi di ba na isang liblib na lugar na noon at tila walang may gustong tumira.
Ewan ko kung maniniwala ang mga karamihan sa akin, pero ito ay kathang isip ko lang na maaring kung seryosohin ang pag aralang mabuti at tila uubra.
Ang sitwasyon sa Metro Manila ay congestion kaya sana pag isipan natin ang solusyon sa lumolobong populasyon.
Mahigit 110 milyon na tayong lahat, at matapos ang dalawang taon ay mabilis na aakyat ang bilang sa estimate lang 140 to 150 milyon tao na sa ‘Pinas at 60 porsiyento nito ang nagdadagsa sa Metro Manila lalo’t lalo na sa Maynila.. JUSKO PO , NANANG KO , ESEP ESEP.