Nasawi si Fernando Villavicencio, kandidato sa pagkapangulo sa Ecuador matapos walang habas na pagbabarilin nangangampanya sa Quito, kapitolyo ng bansa.
Base sa mga video na nai-upload sa Twitter, pasakay na si Villavicencio sa kanyang kotse ng biglang paulanan ng bala.
Siyam katao ang nadamay sa insidente, kasama ang dalawang pulis at isang kandidato para sa National Assembly.
Kinumpirma ni Ecuador president Guillermo Lasso ang naging pananambang kay Villavicencio sa isang Twitter post, sinabi niya na titiyaking may mananagot sa krimen.
“My solidarity and condolences to his wife and daughters. For his memory and for his fight, I assure you that this crime will not go unpunished.”
Si Villavicencio ay isa sa mga nangungunang kandidato ayon sa pre-election surveys; kilala siyang masigasig sa kampanya laban sa mga drug kartel at korapsyon.
Ang eleksyon sa Ecuador ay idaraos sa 20 Agosto 2023.