Bumalik mula sa mabagal na panimula si Eric Jed Olivarez bago maisalba ang 5-7, 6-2, 6-2 panalo kontra sa kanyang doubles partner na si Charles Kinaadman at masunkit ang titulo ng Rep. Edward Hagedorn Open tennis championship sa Karawatan PPS Playground sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang fifth-ranked na si Olivarez na natalo sa unang set ay kinailangan ang magagandang breaks sa deciding set bago tuluyang makontrol ang laro at maitala ang 4-1 na abante sa ikatlong set.
Hindi na lumingon pabalik si Olivarez na kinopo ang titulo at ibulsa ang P50,000 na premyo.
Bago ang pagsungkit ng championship, dumaan muna sa 6-3 6-3 panalo si Olivarez laban sa beteranong si Johnny Arcilla sa semifinals. Si Arcilla ang siyang tumalo kay Olivarez sa Lanao Open.