Nanawagan si dating Defense Secretary Orlando Mercado sa administrasyong Marcos Jr. na magsadsad pa ng dagdag na barko sa West Philippine Sea (WPS) upang magkaroon ng presensya ang bansa sa sariling teritoryo.
Inamin ni Mercado na siya ang nagbigay ng go signal sa Philippine Navy (PN) noong 1999 para isadsad ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal upang maipakita sa China na okupado natin ito matapos magtayo ng military structure ang Beijing sa Mischief Reef na teritoryo ng Pilipinas.
“In this particular situation, after nagkaroon ng structure sa Mischief reef, sabi ko sa Armed Forces, mag-isip tayo ng paraan para magkaroon ng presensya doon. It was the Navy that came up with the idea na meron tayong mga bapor, active na bapor natin. Pwede natin isadsad diyan para matapatan, hindi tayo mawalan ng presensya doon. So we did that. ‘Yan ang una, Sierra Madre,” kuwento ni Mercado sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kamakalawa ng gabi.
“Sa totoo lang, kung meron pa tayong iba, magsadsad pa tayo,” dagdag niya.
“Tayo ay may responsibilidad na protektahan, hindi lang kalupaan, kundi maritime resources natin. Mawawala sa atin napakalaki…Republika ng Pilipinas,” wika ni Mercado.