Malinis na ang pangalan ng actor-host na si Luiz Manzano laban sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) na syndicated estafa laban sa mga opisyal ng kumpanyang Flex Fuel dahil sa umano’y investment scam.
Ayon kay Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong ika-10 ng Agosto, walang kinalaman si Manzano na former chairperson ng kumpanya sa nasabing scam at hindi siya kasama sa 12 opisyal na pormal na sinampahan ng kaso.
“Walang kinalaman si Luis sa alleged investment cam dahil nag-resign na ito mula sa Flex Fuel noong 2021, ang taon kung kailan nag-invest ang mga nagrereklamong investors,” paliwanag ni Abunda.
Noong Pebrero 2023, ilang mga investor ang nagsampa ng reklamo sa aktor at iba pang personalidad na may kaugnayan sa oil firm.
Mariin na pinabulaanan naman ito ng Flex Fuel.