Pinakamaligayang opisyal ng pamahalaan sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) at Office of the President (OP) para sa 2024, humihingi sina Vice President Sara Duterte at President Ferdinand Marcos Jr. ng parehong halaga na nakuha nila noong nakaraang taon.
Hiwalay pa rito ang P150 million proposed budget ng Department of Education.
Masama sa panlasa lalo na’t barya lang ang budget ng Philippine Coast Guard (PCG) kahit sila ang unang nakakaranas ng pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Kompara sa P500 million ng OVP at P150 million ng Department of Education, Php 10 million lang diumano ang intelligence fund ng PCG simula 2009.
Nakapagtataka na 15 beses (15 times) ang laki ng budget ng OVP, isang sibilyang ahensya ngunit ang PCG na may mandatong depensahan ang ating teritorial waters ay barya lang ang intelligence fund.
Maging ang idinagdag na travel budget ni Pangulong Marcos Jr. na P515-M para sa 2024 ay makapagpapagaling ng 35,000 pasyenteng may tubercolosis kung sa kanilang gagastusin ng pamahalaan ito.
Kung tutuusin, ayon sa Council for Health and Development, puwede rin ipantustos ito sa 514 primary care facilities, o para sa suweldo ng 791 nurses o 494 doctors sa mga munisipalidad na walang sapat na pasahod para sa isang taon o para rin sa gamutin ang 1,373 hemodialysis patients.
Ang nakalulungkot lang, kahit batid ng mga mambabatas na labis ang inihihirit na pondo ng Pangulo at Bise-Presidente, papayagan pa rin nila dahil sa takot na mapag-initan sila.
Ililigtas muna nila ang kanilang mga bulsa, bago punan ng pagkain ang sikmura ng mga mamamayan.