Luhaan ang pondo para sa komunikasyon ng isang ahensya ng pamahalaan dahil sa opisyal nilang mahilig magpabida.
Bakit naman hindi magrereklamo ang empleyado sa kakaibang hilig ng mataas na opisyal , eh hindi pala pondo ng kanyang opisina ang kanyang ginagasta.
Bumili raw ng oras sa himpapawid si Ms. Pabida para kunwari ay ilako ang mga polisiya ng kanilang kagawaran pero ang totoo, gusto niyang marinig at makita siya ng publiko.
Pamilya raw ng politiko sa isang siyudad sa Metro Manila si Ms. Pabida at plano niyang sumabak sa 2025 midterm elections.
Clue:
Mahilig sa salitang “suggested’ si Ms. Pabida pero ang suhestiyon sa kanya ng mga kawani ng ahensyang kinabibilangan, itilgil na niya ang paglaspag sa pera ng bayan.
‘Yun na!