Katakut-takot na pang-ookray ang natanggap ng aktor na si Aljur Abrenica matapos umano’y kalimutan ang kaarawan ng anak.
Imbes na batiin ang panganay na anak ni Abrenica na si Alas Joaquin sa aktres na si Kylie Padilla, laman ng kanyang Instagram ang litrato niya kasama ang kapwa-artistang si AJ Raval.
Makikita sa post na may caption na “Big Fish Bay Slave Lake” na masaya ang dalawa sa kanilang camping adventure sa Canada.
Binatikos ng netizens ang sina Abrenica at Raval at hinanap ang pagbati ng aktor sa kanyang anak.
“Bday ng anak, mas gusto pa kasama ang kabit.”
“‘Finally na flex na yung gawa sa kasalanan.”
“Enjoy na enjoy ah. Pero mas enjoy sina Kylie nung birthday ni Alas dahil wala ka.”
Mula 2011, on and off na sina Abrenica at Padilla bago ikinasal noong 2018.
Kinompirma ng aktor noong Abril 2023 na isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ay dahil siya ay nagloko.