Idineklara bilang persona non grata ang drag artist na si Pura Luka Vega matapos ang kanyang drag performance na “Ama Namin.”
Ang resolusyon ay naaprubahan at inilabas noong Martes, 8 Agosto 2023.
Tinawag ni Manila 5th District Councilor na si Ricardo ‘Boy’ Isip na “blasphemous” ang naging performance ni Pura.
Matatandaang nakatanggap ng kabi-kabilang batikos ang video ni Pura na suot niya ang damit na pang-santo at kumakanta ng rock na bersyon ng ‘Ama Namin.’
Bumuwelta si Pura sa isang tweet at tinatanong niya kung ano ang nagawa niyang mali at bakit siya dinedeklara na persona non grata ng iba’t-ibang siyudad.
Si Pura Luka Vega ay kilala bilang isang drag artist. Nakasali rin siya sa isang drag competition na “Drag Den Philippines” noong nakaraang taon.