Nagmistulang uling ang maksaysayang bayan sa Hawaii at 53 katao ang nasawi , at naitala ito bilang isa sa “deadliest disasters” sa kasaysayan ng US.
Ang brushfires na nagmula sa west coast sa Maui Island sa Hawaii, na binugahan ng malakas ng hangin mula sa hurricane ang naging sanhi ng sunog na lumamon sa seaside town sa Lahaina.
Mabilis na kumalat ang apoy na ikinabigla ng mga tao kaya’t na-trap sa mga kalye at o kaya’y tumalon sa ocean sa pagnanais na makatakas.
“It really looks like somebody came along and just bombed the whole town. It’s completely devastated,” ayon sa Canadian na si Brandon Wilson, na nagpunta sa Hawaii kasama ang kanyang misis upang ipagidiwang ang kanilang ika-25 anibersaryo., ngunit nasa airport upang makalipad palabas ng isla.
Kinompirma ng Maui County officials na 53 ang nasawi habang patuloy na inaapula ng mga bombero ang malakas na apoy.
Idineklara ni President Joe Biden noong Huwebes na isa itong “major disaster” at pinayagan ang pagbibigay ng federal aid para sa relief efforts.