Tila wala pang linaw sa kampo ni 7-foot-3 National Basketball Association aspirant Kai Sotto kung kailan siya makakapag-ensayo sa Gilas Pilipinas at mapabilang sa team nila sa FIBA World Cup.
Kinakailangan pang dumaan sa buong proseso ng pagri-rehab ng 21-anyos na si Sotto, na na-injure ang kanyang likod sa huling laban ng Orlando Magic, ang team na kanyang nilaruan noong nakaraang NBA Summer League.
Ayon sa kanyang ama na si dating PBA player Ervin Sotto, kinakailangan ng anak niyang mag-rehab hanggang 21 ng Agosto.
Wala pa ring clearance na maibibigay sina Sotto, isang requirement na hinihingi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangunguna ni president Al Panlilio.
“Ang alam ko tapos ng rehab niya August 21,” mensahe ni Ervin na ipinadala sa pamamagitan ng Messenger. “Doon natin malalaman kung may clearance na siya.”
Sakali mang hindi mabigyan ng clearance si Sotto, hindi siya makakasama sa final line up ng Gilas para sa FIBA World Cup at mapapawalang bisa rin ang pinirmahang kontrata ng naturang player para sa kanyang serbisyo sa pinakamalaking basketball tournament sa buong mundo.
Ayon kay Panlilio, resposibilidad ng SBP, bilang asosasyon na namamahala sa basketball sa bansa na siguraduhing may medical clearance ang lahat ng kanilang manlalaro bago isabak sa World Cup.
“We were planning to sign him up as early as July 24 and get him involved with Gilas’ training, but we couldn’t do it because we have yet to know the extent of his injury,” ang sabi ni Panlilio.
“I don’t know why there’s so much secrecy in his injury. As a federation, we have to be liable on all the players that are going to play for us, so if there’s no clearance from the doctor, then he cannot play in the World Cup,” dagdag ni Panlilio. “It’s an SOP (standard operating procedure), not just for us, but also the other teams. Even teams in the NBA do that.”
Sakaling hindi mapabilang si Sotto, inaasahan na mapapasama sa line up si AJ Edu, ang 6-foot-10 Filipino-Cypriot na siyang pinakabagong miyembro ng Philippine national basketball team program.
Maganda ang ipinakita ni Edu sa apat na laro ng Gilas sa China kung saan nanalo sila ng tatlo sa apat na laro kontra Iran Team B at Senegal.
Mataas rin ang kumpiyansa ng Gilas lalo pa at nagsimula nang sumali a kanilang ensayo si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na dumating sa bansa nito lang Martes.
Bukod kay Clarskon at Edu, ang iba pang mga players na naglalaban-laban para sa pwestuhan sa Final 12 ay sina Gilas mainstays June Mar Fajardo at Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Roger Pogoy, CJ Perez and Chris Newsome, na kampwa mga star players sa PBA.
Kasama rin sa pool ng Gilas sina Japan B. League stars Dwight Ramos, Ray Parks, Kiefer at Thirdy Ravena, gayundin si Korean Basketball League sensation Rhenz Abando.