Kinilala ng International Cycling Union sina Philippine Olympic Committee (POC) chief Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at tatlo pang national Olympic committee (NOC) presidents sa nakaraang Congress na giawa sa Glasgow, Scotland.
Ang pinakaprominenteng award ay iginawad kay UCI president David Lappartient na siya nang namumuno sa France’s Olympic committee isang posisyon sa sporting na inasahang hahalili kay Thomas Bach bilang International Olympic Committee president.
“It’s a rare and historic event and opportunity,” ang sabi ni Tolentino. “This won’t be happening again soon.
Ang susunod na world champinship sa Zurich ay magtatampok lamang ng mga road events.
Kinilala rin sa bukod kina Lappartient at Tolentino sina NOC at cycling head of Indonesia, Raja Sapta Oktohari, at Mauritania’s Abderrahmane Ethmane.
Ang mga pagkilala sa mga naturang opisyal ay isa sa mga agenda sa UCI’s 192nd Congress na dinaluhan ng may 203 miyembro ng international federation na mula sa iba’tpibang bansa.
Itinatag ang UCI may 123 taon na ang nakalipas noong April 14, 1900.