Walang pangako ang Pilipinas sa China na tanggalin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.
“I’m not aware of any such arrangement or agreement that the Philippines will remove from its own territory its ship,” sabi ni Marcos Jr. sa isang video message na ipinaskil ng Presidential Communications Office.
“And let me go further, if there does exist such an agreement, I rescind that agreement now,” dagdag niya.
Inihayag kamakalawa ng isang tagapagsalita ng Foreign Misitry ng China na ang Pilipinas umano’y “made clear promises to tow away the warship illegally ‘stranded’ on the reef.”
Binuhay ng Beijing ang panawagan na alisin ang BRP Sierra Madre ilang araw matapos akusahan ng Philippine government ang China Coast Guard na hinarang at binomba ng tubig ang barkong inarkila ng Philippine Navy habang patungo sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Nauna rito’y hinamon ng National Security Council ang Beijing na tukuyin kung sino ang opisyal ng Pilipinas na nangako sa kanila na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin.