Isang mananaya sa lotto mula sa Florida ang nanalo ng tumataginting na $1.58-B noong Martes, 8 Agosto.
Ang premyo ay mas mataas sa $1.537-B na naging jackpot ng Mega Millions noong 2018.
Ang winning numbers sa lotto ay 13, 19, 20, 32 at 33, kasama ang gold ball na 14.
“After 31 drawings without a big win, a lucky ticket-holder in Florida will celebrate the Summer of 3033 with a record-sizee MEGA jackpot,” sabi ng Mega Millions sa isang post.
Maaaring makuha ng sole winner ang premyo nang isang bagsakan na magkakahalaga ng $783-M o kaya ay hulugan sa loob ng tatlumpung taon. Kada taon ay dadagdag ang bayad ng limang porsyento.
Mayroon ding ibang nanalo sa lotto. Sa Florida at North Carolina ay may nanalo ng tig $2-M, samantala ay may lima pang winners ng tig-iisang milyong dolyar na mula sa California, Texas, Pennsylvania, West Virginia, Florida at North Carolina.
Ang isang lotto tiket ay nagkakahalaga ng $2 o nasa P112-P113 dito sa Pilipinas.
Ang susunod na bola ng Mega Millions ay magaganap sa biyernes, US time, at ang premyo ay maguimpisa muli sa $20-M.