Dinampot ng mga kawani ng Manila Police District ang suspek sa pagpaslang sa isang sekyu ng Magat Salamat Elementary School sa Tondo, Manila.
Ang suspek ay kinilala na si Christopher John Marqueda, residente ng Liwayway Street sa Barangay 116, Zone 9.
Si Marqueda ay miyembro ng Sigue-Sigue Commando, isa sa mga notoryus na grupo sa lugar.
Ang biktima na si Ricky Dasco ay nasawi dahil sa iba’t-ibang saksak na tinamo sa kanyang katawan.
Nangyari ang pananaksak noong Lunes ng umaga, Agosto 7.
Pumasok si Marqueda sa eskwelahan at inundayan ang walang kamalay-malay na biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay. Nakita sa CCTV camera ng barangay na tumatakas si Marqueda dala ang ibang nakaw na gamit.
Nasakote ng mga otoridad ang suspek sa kanto ng Quezon at Dandan steeet; hindi na umano nanlaban ang suspek habang inaaresto.
Ayon sa paunang imbestigasyon, may mainding galit si Marqueda kay Dasco na nagtulak sa kanya na gawin ang krimen.
Kasalukuyang nakakulong ang biktima sa MPD-Homicide Section at sasampahan ng kasong murder sa Manila City Prosecutor’s Office.