Arestado ang isang 55-anyos na lalaking German matapos madiskubre ng French police ang kanyang asawa sa isang kaawa-awang kalagayan.
Isinaad din ng babaeng German na 12 taon siyang binihag sa kanilang bahay.
Ayon sa ulat ng pulis, natagpuang sugatan at kalbo ang biktima sa isang apartment. Kapansin-pansin din na siya ay malnourished at nakaranas ng pisikal na pang-aabuso.
Pinabulaanan naman ito ng suspek at sinabi na inaalagaan niya ang biktima sa sakit na kanser.
Ayon sa lokal na prosecutor na si Olivier Glady, wala ang biktima sa maayos na kalagayan.
Ngunit sa isang panayam, sinabi niya kalaunan na walang nakitang mga bali o mga pasa sa paunang pagsusuri na taliwas sa mga ulat ng media.
Nang magtungo ang mga pulis sa bahay ng mag-asawa,wala silang nakitang anumang senyales ng gulo.
Ani Glady, pinaniniwalaan na walang trabaho ang suspek at dating nagtrabaho sa isang German industry.