Damay sa imbestigasyon ang mga kamag-anak, at kaibigan ni Negros Oriental Congresman Arnie Teves ,ayon kay Jusrice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
Nilinaw ni Remulla na hindi sila nagtuturo ng tao at ang pag iimbestiga sa mga anak at kamag-anak ni Teves ay bahagi ng ‘related interest’ kung saan posible umanong ipagkatiwala ni Teves ang kanyang ibang bank account at pagmamay-ari dito.
“They are related interest so they will be subjected to investigation also. That’s the natural course we have under the Anti-Terror Act (Law),” ani Remulla.
Ang mga bank account ni Rep. Teves ay kasalukuyang naka-freeze sa tulong din ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Marami pa umanong ‘dummies’ o ‘conduits’ ng mambabatas na hinahabol at ipi-freeze din ng AMLC.
Iginiit ni Remulla na sana ay magpakalalaki na si Teves at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa bansa.