Nagbabala ang pulisya sa mall goers na mag-ingat sa Luzon- based Salisi Gang dahil aktibo na sila sa Cebu.
“This is a highly-organized group. They have planned operation. They go to malls then operate. After back to their apartments or safe house then operate again,” sabi ni Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, Police Regional Office(PRO-7) spokesperson.
“They have been staying here for one month so we conducted an inventory on the victims of the group,” dagdag niya.
Limang umano’y miyembro ng gang ang nadakip sa loob ng isang mall sa South Road Properties(SRP) sa Cebu City.
Kinilala ni Police Major Jonathan Bethoven Taneo, Mambaling Police Station chief ang mga suspek na sina Jessica Santos Sarco,35 of Bulacan; Mark Anthony Balan,30 of Bulacan; Mark Anthony Aragosa,26 of Dasmarinas, Cavite; Jerico Sarco,24 of Bulacan; at Marichar Parindol,42 of Cavite.
Ang pagdakip sa kanila’y bunsod ng reklamo ni retired Judge Silvestre Maamo Jr. Na nawala ang bag na kanyang iniwan sa upuan nang bumili siya ng tubi at meryenda.
Nabiktima din nila si Geraldine Micollar na nawalan ng P17,000 halaga ng cellphone.
Habang si Sebastian Seth Escarro Falso ay nagreklamop na isang babae ang nilansi siya habang nasa loob ng game zone sa isang mall at huli na nang mapansin niyang wala na ang kanyang bag.
Dahil sa mga isnidente ay sinuri ng mga pulis ang CCTV ng mall at nakita ang mukha ng mga suspek kaya sila nadakip.
Ang alibi ng mga suspek, isang buwan lamang sila nasa Cebu City at umuupa sa isang boarding house sa Barangay Carreta.
Modus operandi ng Salisi Gang ang makipagkuwentuhan sa biktima habang isang miyembro nila ay nililimas na ang gamit nito at karaniwa’y sa loob ng mall nila ginagawa ang krimen.
“Don’t be too trusting of people who talk to you about any topic in a public place because they are probably members of the Salisi Gang,” Pelare stressed.