Tila mas bet ng mga netizens ang non-showbiz fiancé ng aktres na si LJ Reyes na si Philip Evangelista kaysa sa kanyang ex na si Paolo Contis.
Ibinida ng Nice Print Photo ang prenup photos nila LJ at Evangelista sa Instagram na may caption, “In God’s most perfect time,” at umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga followers.
“Mas pogi pa to kaysa doon sa isang kalbo na basta.”
“Buti pa yan gwapo na, responsible pa.”
“100x better kesa dun sa isa.”
Naghiwalay si Reyes at ang dati niyang nobyong si Contis noong 2021 dahil sa naging kabit ng aktor na co-star niya sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.
Di nagtagal matapos ang hiwalayan, lumipat ang aktres sa New York kasama ang mga anak na si Summer at Aki.
Engaged ang aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend noong 30 Mayo 2023.