Isang mataas na opisyal ng pulisya sa Metro Manila ang nataranta sa kinakaharap na krisis sa kanyang nasasakupan.
Aba’y may ambisyon palang maging script writer at director si Sir at gustong idikta ang balitang lalabas sa media kaugnay sa madugong insidente.
“May go signal na si Sir para ilutang ang anggulo ng pagkain,” ninnerbiyos na bulong ng isang Mimosa sa Barangay.
Duda niya, may malalim na dahilan sa likod ng pangyayari na nais pagtakpan si Sir.
“Magkano, este, ano kaya?” sabat ng miron.
Kilala raw si Sir na mahilig sa “Oscar” kaya hindi mawala ang duda na ito ang reason behind sa kontrobersyal na grand cover-up.
Clue:
Mahilig sumayaw si Sir gaya ng dating ka-tandem ng Star for All Season.
“Never Gonna Give You Up” daw ang theme song ni Sir.
‘Yun na!