Iniulat ng mga otoridad nitong nakaraan na nasawi ang isang 19-anyos na ginang at kaniyang sanggol na anim na buwang gulang matapos madisgrasya ang sinasakyan nilang motorsiklo sa General Santos City.
Base sa mga ulat, nasawi ang babae at ang kanyang sanggol nang mawalan umano ng preno ang motorsiklo sa pabababang bahagi ng kalsada sa Barangay San Jose habang papauwi sila kasama ang mister niya na sugatan naman matapos ang aksidente.
Sinabi ng isang saksi na mabilis ang takbo ng motorsiklo at unang natumba ang rider at bumangga sa railing at tumilapon ang mag-ina.
Paalala ni Traffic Enforcement Unit Investigator, Staff Sergeant Jesse John Flores, suriing mabuti ang mga sasakyan bago bumiyahe, magsuot ng helmet, at kung maaari ay huwag nang magsakay ng mga sanggol.