Nasa Pilipinas na muli ang aktres na si Dawn Zulueta at sa kanyang pagbabalik ay kasama niya ang asawang si Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo.
Ang caption ni Dawn sa kanyang Instagram post, “So happy to be back home with my husband, our family, and dear friends! (emojis clapping hands) to @joannapreyslermanila & @raulsfrancisco for another successful art exhibit of @markrochapadernal ‘s beautiful portraits entitled UNGUARDED @aflagdameo & I love how Mark wonderfully captured the blissful expression of our faces — our first portrait together that Joanna entitled HOME AT LAST, perfectly marking our more than 25 years of marriage,” saad ni Dawn sa kanyang caption.
“Thank you, Jo, for making this happen! You were brilliantly with it every step of the way. I’m so glad I listened to you #Unguarded #HomeAtLast #MarkRochaPadernal #provenanceartgallery.”
Naka-off ang comments section ng Instagram account ni Dawn na ibig sabihin ay ayaw niyang makabasa ng kung anu-ano tungkol sa post niyang kasama ang hubby.
Matatandaang kumalat na hiwalay na sina SAP Anton at Dawn dahil may ibang babae umano ang una at dahil dito ay lumipad patungong Amerika ang aktres para raw magmuni-muni.
Ngunit base naman sa mga nakita naming video posts ay mukhang wala namang katotohanan ang tsismis, patunay diyan ang kanilang mga litrato kasama ang mga kaibigan at kaanak.
May nabasa rin kaming dumalo si Dawn sa event ng anak niyang babae at dahil busy si SAP Anton kaya naiwan siya at hindi nakasunod sa asawa’t anak.
Isa pang nabigyan ng kulay ay dahil hindi present si Dawn sa nakaraang SONA ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. na alam niyang mahalagang okasyon ito bilang special assistant kay PBBM ang asawa.