Ngayon pa lang, kailangan na kaagad maghanap ng ipapalit ng San Miguel Beer sa kanilang napipisil na import na si Chris McCullough.
Hindi na matutuloy si McCullough matapos hindi makakuha ng release sa kanyang koponan sa Taiwan – Formosa Taishin Dreamers sa Taiwan’ P League+.
“Although there’s an opt-out clause in his contract, he wasn’t being given release,” ang sabi ni Gee Abanilla, team manager ng San Miguel Beer.. “We want a guarantee that he could play for us.”
Dating naglaro sa San Miguel si McCulough sa San Miguel apat na taon na ang nakakaraan kung saan pinangunahan niya ang Beermen na masungkit ang 2019 Commissioner’s Cup laban sa TNT na pinagbibidahan noon ng beterano ng National Basketball Association na si Terrence Jones.
Matagal-tagal rin ang pagkakataong hinintay ng San Miguel para maibalik sa serbisyo si McCullough at noong nakaraang season lang, tinangka nilang muling kuhain ang dating 29th overall pick sa first round ng Brooklyn Nets noong 2015 NBA.
Pero mas pinil ng 28 anyos na si McCullough ang maglaro ng mas mahabang season sa Taiwan, dahilan para tanggihan ang alok na maglaro sa Beermen sa East Asia Super League Champion’s Week kung saan isang linggo lang ang kanyang kontrata.
Noong isang taon, nanggaling sa injury si McCullough kung saan nagpaopera siya sa kanyang tuhod matapos ma-injure ang kanyang anterior cruciate ligament.
Pero muling nagbalik si McCullough at tila hindi alintana ang kanyang natamong injury kung saan nagtala siya ng 18.88 points per game, 12.5 rebounds at 2.38 steals kada laro.
Maari pa ring makapaglaro si McCullough sa San Miguel pero walang garantiya kung hanggang kailan siya papayagan ng kanyang team sa Taiwan, na siyang may hawak ng kanyang playing rights.
“There’s a process to be done and that includes asking for approval from the top-level management and I still have to negotiate with the player they’ve chose, so even if they’ve decided to get players on the list, there’s no guarantee that they will be able to play right away,” dagdag pa ni Abanilla. “But they need to decide now from the list of players that they have.”
Ganito ang naging sitwasyon ng NLEX noong nakaraang season kung saan naglaro si Jonathon Simmons, isang NBA veteran, na giniyahan ang kanyang koponan sa apat na sunod na panalo.
Pinayagan si Simmons na maglaro ng kanyang koponan sa China na Shanxi Loongs, pero matapos ang apat na laro, pinabalik siya nito at pinalitan naman ang naturang player ni Wayne Selden.