Hindi kumukupas ang tunggalian nina Vilma Santos at Nora Aunor at inaasahang titindi pa ito sa nalalapit na pagbabalik pelikula ng dalawa.
Ito’y muling nagpainit muli sa ilang dekada na rin namang rivalry ng dalawang batikang aktres.
Ayon sa certified Noranian na si Showbiz Ultra Maldita Alex Brosas, “She (Vilma Santos) is always a second fiddle to Nora Aunor,” dahil si Nora Aunor ay nakapagkamit na ng titulong Pambansang Alagad ng Sining noong 2022.”
Ang Star for All Seasons na si Vilma ay bibida sa pelikulang “When I met you in Tokyo” kasama si Christopher de Leon.
Inilahad ni Brosas ang iba pa niyang batayan kaya niya nasabing habambuhay na “second fiddle” si Vilma kay Nora at ibang entertainment issues ang kanilang tinalakay ng The Diva that Youl Love Alwin Ignacio sa programang D’ TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition sa Facebook page at You Tube Channel alas-kuwatro ng hapon, Sabado at Linggo.