Napiga ang acting prowess ng aktres na si Tiffany Grey sa VivaMax sexy-thriller “Kamadora” na mapapanood simula 11 Agosto 2023.
Ginampanan ni Tiffany ang masalimuot na karakter ni Ica na nakaranas ng hirap mula noong musmos pa at napilitang sumabak sa illegal activities, tagalinis ng dumi ng iba at inabuso ng mga kalalakihan.
Nagpalipag-lipat din siya ng tirahan at laging nakabantay sa kanya ang boyfriend na pulis (Junjun Quintana).
Kasama rin sa pelikula sina Victor Relosa, Armina Alegre, Hurry Up Tiongson, Elora Españo, Itan Rosales, Emmanuel Dela Cruz, at iba pa, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.