Biglang tumaas ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City batay sa ulat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Base sa datos, umakyat ng 45% ang kaso nito sa loob lamang ng iisang araw, na nangyari noong Agosto-1.
Ang kabuuang kaso na naitala mula Hulyo 27 hanggang sa ikatlong araw ng Agosto ay umabot ng 22.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, ang nasabing bilang ay 533% na mas mataas kumpara sa mga nakalipas na linggo na may naitatalang kaso ng leptospirosis.
Umabot na sa 69 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit , pito ang kompirmadong namatay mula noong buwan ng Enero 2023.