May bago nang fans Gilas Pilipinas sa katauhan ng mga miyembro ng Filipinas football team na lumikha ng kasaysayan sa FIFA World Cup.
Sa kaunaunahang pagkataon kung saan nag qualify sa World Cup, nakasukbit ng panalo ang ating pambatong women’s team sa football.
Halos kaparehas ito ng pakiramdam ng Gilas ng magawang manalo sa FIBA World Cup sa kaunaunahang pagkakataon sa loob ng 40 taon.
Kilala ang Pilipinas bilang isang basketball-crazy nation at isa rin ito sa dahilan kung bakit maging ang Filipinas women’s team natin sa football ay buong todo ang suporta sa Gilas sa nalalapit na FIBA World Cup na bubuksan sa 25 Agosto.
Sa panayam ni Ivan Suing ng Daily Tribune kay Smart Head of Sports Jude Turcuato, ibinahagi ng butihing sports executive ang pagkakahalintulad ng bagawang kasaysayan ng Gilas noong 2014 sa naitala ng ating Filipinas team sa FIFA World Cup.
“It was a breakthrough for Gilas to qualify for the World Cup after a long time and won a game (against Senegal). The program from there had momentum and hopefully, the Filipinas can get more momentum and they’re looking forward for them to qualify for the next World Cup,” ang sabi ni Turcuato
Ginulantang ng Filipinas ang New Zealand, 1-0, at sa biglang iglap, napukaw ang atensyon ng buong nasyon.
Binigyang parangal ang Filipinas ng MVP Sports Foundation sa pangunguna ni Manny V. Pangilinan, ang kanilang chief benefactor.
Naroon rin sa nasabing courtesy call sina Philippine Football Federation president Mariano “Nonong” Araneta at Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio,
“That’s the objective of the foundation: to help support our elite athletes. MVP said it’s almost similar to Gilas nine years ago because when they were in Seville, Spain, they also won one game there,” Turcuato said in a phone conversation.
Since then, The Filipinas clinched a spot in the Women’s World Cup, a bronze medal in the 31st Southeast Asian Games in Hanoi and won the AFF Women’s Championships in 2022 in Manila,” dagdag pa ni Turcuato.
Kaya naman sa nalalapit na FIBA World Cup, asahan ang Filiinas bilang isa sa mga maiingay na taga-suporta sa laban ng Gilas sa mga bigateng katunggali sa buong mundo.