Tumulong ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, kasama ang fans ni Sarah o kilala sa tawag na popsters, sa pag-aalaga ng rescued dogs sa AKF Rescue & Rehabilitation Center.
Ikalawang beses na pagbisita ni Sarah ito sa nasabing center.
Hindi alintana kay Sarah ang madungisan habang nagpapakain at nagpapaligo ng mga aso.
“She was ready to get her hands dirty and doesn’t mind having dog hair on her clothes! She is an idol indeed. ,” caption sa Instagram post ng animal rescue center.
Pinuri pa ang aktres dahil ayon sa mga taga-center, magandang impluwensya sa mga fans ang pagsuporta ni Sarah sa animal welfare advocacy.
“Now that’s how to properly use influence!”