Tila nag-iisip na si mixed martial arts star Jean Claude Saclag na pasukin ang larangan ng professional prized fighting sa kabila ng patuloy na pagsisilbibilang miyembro ng nationa team sa iba;t-ibang malalaking international competitions.
Ang 28-anyos na lumalaban para sa Team Lakay ay nagpaplanong umakyat sa susunod na taon.
“Hopefully, later this year,” ang sabi ni Saclag.
Isa si Saclag sa mga pambato ng Pilipinas sa wushu.
Nakapukaw ng atensyon si Saclag matapos manalo ng bronze medal sa men’s 56-kilogram sanda event sa Wushu World Championships sa Kuala Lumpur noong 2013 at sinundan pa ito ng ilang mga nakopong karangalan kung saan nanalo siya ng gold medal sa men’s 60-kg sanda event sa Jakarta at silver medal naman sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea noong 2014.
Nag-crossover naman siya sa kickboxing kung saan nagpamalas rin siya ng kakaibang bangis.
Nakuha niya ang gintong medalya sa 2019, 2021 at 2023 editions ng Southeast Asian Games at sa gitna nito, nagkaroon rin siya ng pagkakataon na pangunahan ang 2022 Asian Kickboxing Championship.
Ayon kay Saclag, ang kanyang agresibo at bilis sa paraan ng pakikipaglaban ang siyang naging sandata para makamit ang tagumpay.
Naging abala rin si Saclag sa pag-aaral sa iba’t-ibang uri ng sports disciplines sa MMA at nais niya itong dalhin sa kanyang pag-akyat sa professional prized fighting.
“Right now, I’m working on my ground game so I’m training double time to be prepared,” dagdag pa ni Saclag, na nagtapos sa University of the Cordilleras.
Nakasalalay rin ang plano niyang pag-akyat sa professional level sa kanyang coach na si Mark Sangiao at anak nitong si Jhanlo, na dumating lang kamakailan sa Thailand para harapin si Enkh-Orgil Baatarkhuu sa undercard ng ONE Fight Night 13 sa 5 Agosto, at Carlo Von Bumina-ang, na haharapin naman si Reza Saedi sa 4 Agosto sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok.