Nananatiling hands-on ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa kanilang farm sa Zambales sa kabila ng kanyang busy schedule.
Ipinahayag ng aktres, bukod sa kanya ay very hands-on din ang kaniyang ina ngunit siya ang nangangasiwa ng lahat.
“I’m a visionary,” sabi ni Alonzo. “Mas hands-on sila pero I visualize what to put, how to develop our land, and how to make it better.”
Dagdag din niya, ang kaniyang Beati Firma Farm ay hindi bukas para sa mga pelikula o telebisyon.
“Marami pong nagtatanong pero it’s our sanctuary, so hindi po ako pumapayag po ng mga shooting sa TV or pelikula,” aniya.
Iniansuyo noong 01 Agosto sa isang media conference sa Quezon City na endorser ang aktres ng 2022 Census of Agriculture and Fisheries.