Nagbigay pugay si boxing champion Marlon Tapales kay eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang bahay sa General Santos City kamakailan lang at walang alinlangan namang nagbigay ng payo ang future Hall of Famer sa taong kinukunsiderang susunod sa kanyang mga yapak.
Bitbit ang mayamang natutunan sa larangan ng pakikipaglaban, tinuruan ni Pacquiao ng iba’t-ibang paraan si Tapales sa napipinto nitong pagharap kay Naoya ‘Monster’ Inoue.
Pinaplantsa pa sng negosasyon sa unification bout bg dalawang kampeon para sa undisputed super bantamweight championship bout sa pagitan ng premyadong kampeon ng Japan at sa umuusbong na kanpeon na si Tapales, ang pambato ng ating bansa.
“He told me to use footwork and train very hard,” ang sabi ni Tapales na sinamahan ng kanyang promoter na si JC Mananquil at chief trainer Ernel Fontanilla para sa meeting kay Pacquiao.
Si Tapales ang kampeon sa World Boxing Association at International Boxing Federation champion habang hawak naman ni Inoue ang World Boxing Council at World Boxing Organization na mga titulo.
Inaasinta ng magkabilang koponan ang laban sa Nobyembre o Disyembre sa Tokyo Dome.
Itinuturung ba best pound-for-pound fighter s Inoue kasama ang welterweight na si Terence Crawford.
Galing sa impresibong knockout win si Crawford laban kay Stephen Fulton sa laban na ginanap rin sa Tokyo.
Nakopo ni Tapales ang WBA/IBF 122-lb belts matapos gulantangin ang dating kampeon na si Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan noong Abril sa San Antonio, Texas.