Mas maraming Pinoy ang nakaranas na malipasan ng guton sa second quarter ng 2023, ayon sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, sa 1,500 adult respondents, iniulat na 10.4 porsiyento ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas na hindi kumain ng isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito ng 9.8% noong Marso ngunit mas mababa ng 11.8% noong Disyembre 2022.
Ang pinakahuling hunger rate ay mas mataas sa pre-pandemic average ng 9.3% noong 2019, ngunit mas mababa ng kaunti sa naitalang 10.8 porsisyento noong 2018.