Pagkain ng panay gulay mula Lunes hanggang Biyernes ang sikreto sa mahabang buhay ng huling centenarian sa Pasay City.
Nakatanggap si Lola Caridad Lagadia, isinilang noong 9 March 1923, ng P100,000 bilang pagkilala at suporta ng gobyerno sa mga matatanda, may kasama rin itong Letter of Felicitation na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa kanyang anak na si Lydia Reyes, isa sa anim na magkakapatid ng centenarian, partikular na sa mga kinakain ang kanilang ina at gulay ang kanyang sikreto para sa mahabang buhay.
Dagdag pa niya, “Malunggay” ang kanilang paboritong gulay na madalas kainin at tuwing Sabado at Linggo lamang sila kumakain ng karne.
Tiniyak ni Mayor Calixto-Rubiano ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa matatanda upang matiyak na natatanggap nila ang kinakailangang suporta.