Ibinunyag ng Queen of All Media na si Kris Aquino na niregaluhan niya ng singsing si Batangas Vice Governor Mark Leviste bilang simbolo ng kanilang “love and friendship.”
Sinagot ni Aquino ang fan account na Kris Aquino World na napansin na mayroong “trinity ring” si Leviste sa kaniyang Instagram post.
“Marc & I both know we still have a lot of work to do as far as communication and not misinterpreting each other’s words— the important thing is that we both know our kids come first,” sabi ng aktres sa comments section.
Giit ng aktres na ang dahilan kung bakit niya niregaluhan ng singsing si Leviste dahil gusto niyang bigyan karangalan at pagpapahalaga ang kanilang relasyon.
Nagpasalamat din si Aquino kay Leviste at sinabi niya sa comment, “You gave me hope.”
Nag-reply naman dito ang vice governor ng “I Love You.”
Kinumpirma ni Aquino ang kaniyang relasyon kay Leviste noong 18 Mayo ngunit sinabi niya noong Hulyo na pinili niya ng tapusin ang kanilang relasyon.