Binatikos ng netizens ang kasalukuyang partner ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos dahil sa kakaibang pananamit nito.
Si Isabel ay isang artist at nakapagtapos ng European Studies sa Ateneo de Manila University.
Sa Instagram post ni Isabel ay makikitang nakasuot ito ng mahabang palda at pang-itaas na may hindi pangkaraniwang disenyo.
Ilan sa mga netizens ay nagsasabing “baduy” at “weird” manamit si Isabel.
“Yess.. weird nga.. lalo sa hair. Yung sa mirror pic nila parang lola yung kasama. Nyay!” comment ng isang netizen.
Gayunpaman, may nagtatanggol din kay Isabel na kaya ganoon ang pananamit nito ay dahil isa itong artist at ang type ni John Lloyd Cruz ngayon ay “cerebral orgasm.”
Abangan ang iba pang detalye sa D’TT Show, Tarayan at Talakayan sa Linggo , Agosto 6, alas-kuwatro ng hapon, sa Facebook page at You Tube channel ng Dyaryo Tirada.