Inamin ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tinuldukan na nila ng misis na si Sophie Gregoire-Trudeau ang 18-taong pagsasama.
Sa isang post sa Instagram, inihayag ng prime minister,”that after many meaningful and difficult conversations, we have made the decision to separate.”
Sa isang kalatas mula sa kanyang tanggapan, sinabi na ang mag-asawa ay lumagda sa isang “legal separation agreement.”
Nakasaad na asahan ng publiko na makikita pa rin magkasama ang dating mag-asawa, pati ang kanilang tatlong anak dahil nananatiling sila bilang “close family.”
Humiling sila ng privacy bago ang kanilang nakatakdang bakasyon sa susunod na linggo.
Si Trudeau at kanyang misis, isang dating entertainment reporter, ay magkababatas at muling nagkita noong 2003 habang parehong host sa isang charity ball at mula noon ay nag-date hanggang magpakasal noong 2005 sa Montreal.
May tatlo silang anak: Xavier, 15, Ella Grace, 14, at 9-anyos na si Hadrien.
Ito ang unang pagkakataonng nahiwalay sa kanyang asawa ang isang Canadian prime minister mula sa ama niyang si Pierre Trudeau, na nakipagkalas din sa kanyang misis na si Margaret Trudeau noong 1970s at kalauna’y nag-diborsyo noong 1984.