Tatayong mga tutor ang 6,000 na 3rd at 4th year volunteer students mula sa iba’t ibang state universities at colleges sa “Tara, Basa” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ayon sa ulat ng One News.
Kada isang volunteer ay may hahawakang 10 na estudyante na nasa ikalawang baitang at babayaran ng P570 kapalit ng dalawang oras na tutoring service.
Ang ibang mga volunteer ay itatalaga sa nanay-tatay tutoring program na kung saan gagabayan nila ang mga magulang sa pagtulong sa kanilang mga anak sa pag-aaral at pagbabasa.
Makakatanggap naman ang mga magulang ng non-reader elementary learers ng cash aid na nagkakahalaga ng P235 sa loob ng 20 na araw.
May kabuuang 60,000 na estudyante na nasa ikalawang baitang at parte ng low-income households ang magiging parte ng nasabing tutoring program.