Hindi nasiyahan ang isang New Yorker sa rami ng filling na natanggap niya sa kanyang Taco Bell order kaya’t idinemanda niya ang fast food chain para sa maling advertising.
Ayon kay Frank Siragusa, ang Mexican Pizza na binili niya noong Setyembre ay may humigit-kumulang kalahating laman ng baka at bean na ipinakita sa mga anunsyo.
Kung alam lang niya ito, ang nagsasakdal ay “hindi magbabayad ng $5.49 na presyo,” ayon sa class-action lawsuit na isinampa sa Eastern District ng New York noong Lunes.
Humirit si Siragusa ng $5 milyon danyos mula sa Taco Bell para sa “hindi patas at mapanlinlang na mga gawi sa kalakalan.”
Nagbebenta ang Mexican pizza ng seasoned beef at refried beans sa pagitan ng dalawang pizza shell na may sarsa, keso at mga kamatis sa itaas, na may mga add-on kabilang ang guacamole at manok.
Si Siragusa ay nagsampa ng demanda sa ngalan ng kanyang sarili at ng iba pang mga customer na nadismaya rin sa mga item, kabilang ang sikat na Crunchwraps ng Taco Bell.
Inilakip sa demandan ang pinagsama-samang mga larawan ng pagkain na kinuha mula sa website ng food chain kasama ang mga litrato ng “aktwal” na item na sinasabi ng mga customer na natanggap nila.
Ang mga larawan sa restaurant ay nagpapakita ng matingkad na kulay na karne, keso at salad na umaagos mula sasiksik na tacos na masikip.
Habang ang mga litrato ng mga customer ay nagpapakita ng malabong pagkain na mukhang malungkot at malata.
Sinasabi sa demanda na ang mga anunsyo ay “unfair and financially damaging to consumers as they are receiving a product that is materially lower in value than what is being promised.”
“Taco Bell’s actions are especially concerning now that inflation, food, and meat prices are very high and many consumers, especially lower income consumers, are struggling financially,” nakasaad sa asunto.