Nangunguna ang pelikulang “Family Matters” sa paparating na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) na may tumatagingting na 12 na nominasyon.
Kabilang sa mga gumanap sa pelikula ang aktres na sina Mylene Dizon at Nikki Valdez na naglalaban para sa best supporting actress at ang kanilang co-star na si Nonie Buencamino ay nominado para sa best supporting actor.
Ang mga bida naman na sina Liza Lorena and Noel Trinidad ay lalaban para sa mga kategoryang best actress at best actor.
Inilibas sa sinehan ang pelikulang “Family Matters” bilang opisyal na entry sa 2022 Metro Manila Film Festival sa direksyon ni Nuel Naval sa ilalim ng Cineko Productions at Top Story.
Umiikot ang kwento nito sa isang emosyonal na kaganapan ng isang pamilya na nagtatalo kung sino ang magiging responsable sa pag-aalaga ng kanilang ama na na-stroke.