Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hitrit ng transport groups na dagdag pasahe tuwing rush hour sa mga pampublikong transportasyon bunsod ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.
Aminado ang LTFRB na sobrang taas ng halaga ng mga produktong petrolyo kaya ikinakasa nila ang posibilidad na pag-apruba sa rush hour rate.
Alinsunod sa pinaplantsang patakaran, P1 ang madaragdag na singil sa pamasahe sa tradisyunal at modernong jeep habang P2 naman para sa air conditioned at ordinary bus sa kasagsagan ng peak hours mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga at sa hapon naman mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas otso ng gabi maliban sa araw ng linggo at holidays.
Nagpulong ang transport groups at LTFRB upang talakayin ang sitwasyon at inaasahang mailalabas ang desisyon sa kanilang apela dalawang linggo mula ngayon.
Isa rin saopsyon na pinag-aaralan ng LTFRB ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga apektadong tsuper at operator.