Bibida si Alden Richards sa lahat ng episodes ng long-running true-to-life anthology program na Magpakailanman sa GMA-7 buong Agosto.
Sa kauna-unahang pagkakataon, iisang aktor lang ang gaganap na bida sa lahat ng Magpakailanman episodes na ipalalabas sa loob ng isang buwan.
Mahigit 12 taon na nang magsimulang gumanda ang takbo ng karera ni Alden sa showbiz matapos ang ilang beses na failed attempts nito.
Ayon sa aktor, ang mga nakaraang Magpakailanman guestings niya (“The Alden Richards Story,” “Isinakdal Ko ang Aking Anak,” “Rehas ng Pag-ibig at “Kuwentong Marawi”) ay “very challenging” dahil iba-iba ang mga karakter na ginanapan nito.
Agad tinanggap ni Alden ang oportunidad na gumanap sa Magpakailanman dahil isa itong malaking karangalan para sa kanya.