ISANG 73-anyos na Cebuano ang isa sa nagpatuli sa Lapu Lapu City, Cebu noong Hulyo 28 sa ilalilm ng free circumcision program ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Lolo Mado, hindi siya nakapagpatuli noong kabataan niya sa takot sa proseso.
“Bata pa kami magpapa tuli sana kami, apat kami mag papatuli, kami ang nasa huli, hindi nalang namin pinagpatuloy, umuwi na lang kami, dahil sa takot,” aniya sa panayam sa One Balita Pilipinas sa One PH.
Hindi lang libreng tuli ang inalok ng pamahalaang lungsod kundi nagbigay pa ito ng bonus na P10,000 sa sinomang magpapatuli na may edad 20-taong gulang pataas.
Bilang isang senior citizen, nakatanggap si Lolo Mado ng P20,000.
Hinikayat ng Lapu Lapu City Health Office ang mga ‘supot’ pa na magpatuli na para makatanggap ng mga insentibo at makaiwas sa mga impeksyon at mga sakit, gaya ng prostate cancer.