Ibinahagi ng bagong kasal na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang tamis ng kanilang unang halik bilang mag-asawa sa kanilang kasal na ginanap sa Bali, Indonesia noong Lunes.
Pinost ng kanilang photographer na si Chissai Bautista sa Instagram ang litrato ng mag-asawa.
“FIRST KISS! Congrats @maja @rambonunez️”
Dumalo sa selebrasyon ang mga sikat na personalidad tulad nina ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, celebrity dermatologist na si Aivee Teo at maging ang bagong kasal din na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Naging magkasintahan sina Salvador at Nuñez noong 2010, ngunit naghiwalay ang dalawa at nagkabalikan ulit noong 2019.
Nag-propose ang negosyante sa aktres noong 2022 Abril sa kanilang bakasyon sa El Nido, Palawan sa harap ng kani-kanilang mga pamilya.