Kung ang kultura ng mga taga-Kanluran ay mahilig sa musika, sa Afghanistan ay sinunog ng mga awtoridad mula sa vice ministry ang musical instruments at equipment sa probinsya ng Herat, sa paniniwala na nakasasama ang musika sa moral ng mga tao.
“Promoting music causes moral corruption, and playing it will cause the youth to go astray,” anang Aziz al-Rahman al-Muhajir, pinuno ng Herat department ng Ministry for the Promotion of Virtue and Prevention of Vice.
Magmula nang nangyari ang seizing power noong August 2021, nagtalaga ng batas ang mga awtoridad ng Taliban ukol sa pagbabawal na magpatugtog ng musika sa pampublikong lugar.
Nagkakahalaga ng ilang daang dolyar ang mga instrumentong sinunog noong Sabado.
Karamihan sa mga instrumentong nasama sa pagsunog ay nakalap mula sa wedding halls sa lugar.
Kabilang sa mga ito ay dalawang stringed instruments, harmonium, tabla, amplifiers at speakers.