Pinasok ng singer-actress na si Lyca Gairanod ang isang steel dumpster upang tignan kung may mapapakinabangan pa sa mga gamit dito.
Ibinahagi ng dalaga sa kanyang Facebook post ang video ng walang halong pandidiri ang pangangalakal niya.
Ang dumpster diving o pangangalakal ng singer ay ginawa nito sa San Diego, California.
Umani ng papuri ang singer mula sa netizens, nagsasabing hindi pa rin nakakalimutan ni Lyca ang kanyang pinagmulan sa kabila ng kasikatan nito.
Bago pumasok sa showbiz, naging kabuhayan ng pamilya ni Lyca ang mangalakal sa kanilang lugar sa Tanza, Cavite.
Si Lyca ay nagpunta kamakailan sa Amerika bilang special guest ni Arthur Nery sa U.S. at Canada tour nito.