Ibinida ni Rhian Ramos ang glam team sa likod ng kanyang GMA Gala look kamakailan.
Makikita sa isang post ng aktres na kasama niya sa larawan ang stylist at make-up artist na namahala sa kanyang Gala look.
Napansin ng netizens at nagpa-intriga sa kanila na ilan sa mga kasama ni Rhian ay bahagi ng glam team ni Heart Evangelista noon.
Kasama nito ang make-up artist na si Justin Soriano at hair stylist na si Jeck Aguilar.
Maaalalang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang paglayas ng glam team ni Heart sa kanya.