Tila magkakatotoo ang napipintong reunion ng dating magkatambal na sina Kai Sotto at AJ Edu, dating magkasangga sa national youth team limang taon na ang nakakalipas.
Ang mga batang manlalarong ay ganap nga mga mama at nain nilang patunayan nabibilang sila sa koponan ng kanilang mga kuya.
Ang 23-anyos na si Edu at ang 21-anyos na si Sotto ang dalawa sa pianakabatang miyembro ng koponan pero unti-unti nang nagpapaubaya ang mga beteranong players na sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar, miyembro ng Gilas Pilipinas mula pa noong 2013, sa mga itinuturing na future ng Phlippine basketball.
Masaya si Edu na makitang muli si Sotto na unti-unting bumabalik sa ensayo ng Gilas kahit pa man may iniinda siyang sakit sa likod.
Bago tumulak paalis papuntang China ang Gilas, nagawang sumipot sa ensayo ng 7-foot-3 center kung saan nag-shooting siya ng malapitan at hindi mapwersa ang iniindang pilay sa likod.
Kasalukuyang nagri-rehab si Sotto at nasa ikatlong parte pa lamang siya.
Kinakailangan ni Sotto na makumpleto ang 12 procedures para maihanda ang sarili sa FIBA World Cup.
May iniinda mang sakit sa likod, hindi ito naging hadlang para kay Sotto na ipagpatuloy ang kagustuhang makapaglaro sa Gilas.
“Bata pa lang ako, ngalalaro na ako maski may injury ako, kaya hindi na bago ito sa akin,” ang sagot ng anak ng dating PBA player na si Ervin Sotto.
Para naman kay Edu, ang presensya ni Sotto ay nangangahulugan ng kanyang posibleng pagsali sa World Cup at inaasahan niyang muling makakatambal ang dating front court partner na nakasa niya sa FBA U19 World Cup noong 2019.
“I’m really looking forward to it,” ang sabi ni Edu. “That’s something people were talking about since we were young.”
“I’m really excited to play with him again and hopefully, we both make it for the World Cup.”