Buong loob na idineklara ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na napatawad na niya si Ricci Rivero kahit hindi nag-sorry sa kanya ang ex-boyfriend.
Sa kanyang contract signing sa ABS-CBN, binigyang-diin ng aktres na nailabas na niya ang anomang galit o hinanakit kaugnay sa kung paano natapos ang kanilang relasyon.
“In my heart, natanggap ko na po lahat and willing to move forward with my life na po ako,” ani Brillantes.
Giit ng aktres, nakahanda na siyang makita at magkausap sila ng dating karelasyon.
“Okay akong magkita kami, kung makakausap ko siya kung kakausapin niya ako. Okay lang po sa akin yun kung meron po siyang gusto sabihin.”
Mahigit dalawang buwan na ang lumipas simula ang hindi magandang hiwalayan ni Rivero at Brillantes.
Unang kinompirma ng basketball player ang break-up nila ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda noong Hunyo.