Tinawag na epal ni E.A.T. host Joey De Leon ang mga nagkomento ng negatibo sa pagdaraos ng kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Baguio City noong Biyernes habang binabayo ng bagyong Egay ang hilagang bahagi ng bansa, pati ang Metro Manila at karatig lalawigan.
Sa pagtatapos ng TV Patrol noong Biyernes ng gabi ay sinabi ng anchor nitong si Noli “Kabayan” de Castro, “Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo.”
Sabay naman nag-react ang kanyang co-hosts na sina Bernadette Sembrano at Karen Davila ng, “Eto naman, o.”
Umani ng batikos si Kabayan mula sa netizens at ipinagtanggol ang pagpapakasal ng celebrity couple dahil nang itinakda raw ang wedding date ay hindi naman nila alam na may bagyong darating.
Ayon sa tweet ni De Leon kahapon:
“Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay! Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng “kasalanan”—-KASAL!” De Leon tweeted.
Si Mendoza naging katambal si Alden Richards at na-discover sa Kalyeserye portion na “Juan for All, All for Juan” ng noontime variety show Eat Bulaga! noong 2015.